Advertisers

Advertisers

KALBARYO NG VICTORIA CONDO UNIT OWNERS!

0 30

Advertisers

Hindi lamang sa mga GOVERNMENT PROJECTS madidiskubre ang mga GHOST at SUBSTANDARD PROJECTS kundi maging sa mga PRIVATE DEVELOPERS ay may mga KATIWALIAN o SUBSTANDARD PROJECTS din tulad sa mga HIGH RISE CONDOMINIUM TOWER na KALBARYO ang dinaranas ng mga CONDO UNIT OWNERS sa pag-akyat-manaog sa hagdanan sa halip na elevator ang dapat magamit.

Ayon sa ating mga VICTORIA ARYA BEES ay araw-araw pa rin umano ang dinaranas na kalbaryo ng mga nakatira sa CONDO UNIT na hindi lamang daw sa VICTORIA DE MORATO nangyayari ito kundi nangyayari rin sa lahat ng VICTORIA PROJECTS.

“There are already numerous tracking numbers, all pointing to the same complaint, yet until now there is no concrete solution on same old problems.., elevators issues including no proper ventilation inside lift car and control room, water falls on fire exit, dark parking area, obstruction to fire safety, such as vending machines placed in the lobby area, sprinklers & fire detectors are not functioning, rats in the hallways, there is no proper exhaust system in the basement holding tank of the Sewage Treatment Plant, no functioning generator for the residential units while the common area is temporarily connected to the generator designated for the commercials spaces. Has everything been properly checked? Why was it neglected and allowed to remain hanging like this while the safety of everyone inside Victoria De Morato is compromised? Who bears greater responsibility and accountability here? Was it the inspectors who neglected their duty or the developer who simply ignored the situation?” pagpupunto ng ilang CONDO UNIT OWNERS.



Ito ang mga reyalidad sa loob ng VICTORIA DE MORATO na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin naiaayos gayong marami sa mga CONDO UNIT OWNER ay FULLY PAID o CASH na nilang binili ang inookupahan nilang CONDO UNITS.

Ayon sa VICTORIA ARYA BEES.., ang style daw ng NEW SAN JOSE BUILDERS INC (NSJBI) na siyang may proyekto ng VICTORIA CONDO TOWERS ay para ring kahalintulad ng mga ghost projects ng gobyerno na after mai-Full disbursed ng BDO ang loan Amount sa NSJBI ay hinahayaan na lamang daw na nakatiwangwang.



Kahit mayroong BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS CIRCULAR NO. 855 na dapat by tranched ang pag release ng loan while monitoring the construction milestones ng project, pero hindi raw ginagawa ng BDO

Mga ka-ARYA.., isinasaad sa REPUBLIC ACT 11765 na ang BSP-supervised institutions like BDO UNIBANK ay obligadong isakatuparan ang FAIR TREATMENT and RESPONSIBILITY.., subalit hinayaan lamang daw ang tulad ng VICTORIA DE MORATO sa pagiging SUBSTANDARD at hindi pa nakukumpleto ang pagkakagawa.



Isiniwalat naman ng isang CONDO UNIT OWNER na noong 2021 ay personal niyang naranasan na lulan siya ng elevator nang bumagsak.mula 9th floor hanggang 4th floor na malaking trauma hanggang ngayon sa kaniyang sarili dahil ang elevator ay nagma-malfunction hanggang ngayon.

Sa sintemyento naman ng isang CONDO UNIT OWNER.., kapag nagpapautang umano ang BDO ng bilyun-bilyong piso para sa development loan, gumagawa sila ng Master Mortgage (First Line Lien) sa buong lupa at sa lahat ng itatayong unit doon. Dahil nasa pangalan pa ng NSJBI ang mga indibidwal na Condominium Certificate of Title (CCT), ginagamit ito ng BDO bilang karagdagang collateral/sekyuridad para sa pautang nila. Sa pananaw umano ng legal department ng bangko ay habang hindi ganap na nakakabayad ang NSJBI ng kanilang kabuuang ?1.305B/?870M na utang, ay hindi bibitawan ng BDO ang alinmang CCT.
Ginagawa nila ito kahit alam nilang may mga buyers na fully paid na.., dahil mas madali para sa bangko na hawakan ang titulo kaysa maghabol sa walang sapat na pera na developer.

Bunsod nito ay ninanais naman ng ilang CONDO UNIT OWNERS na kung sinisiyasat ang mga GHOST/SUBSTANDARD GOVERNMENT PROJECTS ay magkaroon din nang pagsisiyasat sa mga PRIVATE CONDO DEVELOPER para mabigyan ng SOLUSYON ang matinding kalbaryong dinaranas ng mga CONDO UNIT OWNERS dahil halos walang aksiyon umano ang DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENTS AND URBAN DEVELOPMENT (DHSUD) at maging ng CITY GOVERNMENT ay walang asiste para sa mga nagrereklamo!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.