Advertisers

Advertisers

Rimbang naglabas ng P11.5m para ibiyahe sa Pinas ang P3.5b shabu mula Laos

0 19

Advertisers

P11.5 million ang ka-buuang perang umano’y inilabas para sa pagkuha ng chartered plane at iba pang gastusin kaugnay ng drug shipment na nasabat sa Laos.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, Major General Robert Alexander Morico II, si Sultan Edrieza Nasser Rimbang, dating miyembro ng BARMM Parliament, ang umano’y naglabas ng pera para sa pagkuha ng chartered plane.
Nasa P7 million aniya ang halaga ng pag-arkila sa erop-lano, habang P3 milyon naman ang itinira kay PEMS Aileen Jayne Manalo Mendoza bilang grease money saka-ling dumating sa bansa ang eroplano.
Paliwanag ni Morico, hindi naging biglaan ang transaksyon.
Noong September 7, may nilapitan nang isang private airline company para sa planong pagkuha ng chartered plane. Nang hindi magkasundo sa paunang pag-uusap, pumasok sa transaksyon si PEMS Mendoza, na siyang naghanap ng iba pang private airline companies na posibleng gamitin sa operasyon.
Ayon pa sa CIDG chief, dati nang sangkot sa lokal na bentahan ng droga ang grupo at nais mag-level up o pa-lawakin ang kanilang operasyon sa pamamagitan ng pagkuha ng kontak sa ibang bansa.