Advertisers

Advertisers

Pulis-Pasay inireklamo ng pananakit at panunutok ng baril ng ka-live-in

0 23

Advertisers

INIREKLAMO ng ‘grave misconduct’ at ‘conduct unbecoming of public officer’ sa National Police Commission (NAPOLCOM) ng isang babae ang kinakasama niyang Pulis-Pasay City dahil sa paulit-ulit nitong pananakit at panunutok ng baril dahil sa selos.
Ayon sa biktima, anim na taon na silang nagsasama at nagsimula ang pananakit sa kaniya December 15, 2022, kungsaan tinutukan siya ng baril ng pulis sa loob ng sasakyan.
Lagi rin aniyang nakasukbit ang baril ang pulis, kahit nasa loob ng bahay o nagluluto. Pero ayon sa pulis, ito ay dahil sakop ng assignment niya ang pagbabantay sa kanilang area.
Sinabi rin ng biktima na ipina-blotter at inireklamo n’ya narin sa Krame ang pulis noon pero ipinahinto nya ito para sa kanilang anak at gusto niyang magkaayos sila dahil malapit na magpasko.
Habang sinampahan narin ito ng biktima sa Pasay City ng Violence Against Women and Their Children.
Ayon kay Napolcom Commissioner, Atty. Rafael Cali-nisan, hahanapin nila ang mga pulis na pinagsampahan ng reklamo ng biktima noon, dahil kahit inihinto ng biktima ang reklamo ay dapat umaksyon ang mga pulis na nakakaalam ng nasabing pananakit ng pulis.
Dumating naman ng late sa itinakdang oras ng pagharap ang pulis sa NAPOLCOM, dahil umano sa traffic. Pero ayon sa kaniyang hepe ay ayaw sumama sa kaniya papunta sa NAPOLCOM ang nasabing pulis.
Ni-relieve at dinis-armahan ang pulis at pinamamadali narin ang paglalabas ng 60-day preventive suspension laban dito.