Advertisers
LUMALAKAS ang panawagan sa social media ng pagbibitiw ni Interior Secretary Jonvic Remulla.
Puros lang daw kasi ito press release at pa-press conference hinggil sa mga most wanted personalities pero wala naman itong naaresto. Oo nga!
Kung minsan palpak pa ang kanyang mga statement. Mismo!
Uminit ang panawagan para sa pagbibitiw ni Jonvic nang magpa-presscon uli ito kamakailan hinggil sa kinaroroonan nina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, gambling tycoon Atong Ang at ex-Congressman Zaldy Co.
Muli kasing ipinahayag ni Jonvic na tukoy na nila ang kinaroroonan ni Bato sa Mindanao. Pero hindi nila ito basta ma-operate dahil dadanak ang dugo, mga 10,000 katao ang mamamatay kapag basta nila inaresto ang Senador. Ilang beses na niya itong inanunsyo sa kanyang mga press conference.
Sabi ng netizens, anong grupo ba sa Mindanao ang may 10,000-strong member at hindi kaya ng gobierno? Kung armado ang napakalaking grupong ito na nagkakanlong kay Bato, dapat itong buwagin ng PNP at AFP. Dahil kung ‘di ito gagawin ng gobierno mamimihasa ang grupong ito sa pagkakanlong ng mga wanted sa batas. Mismo!
Hindi dapat mabahag ang buntot ng gobierno sa armed group na nagkakanlong sa mga kriminal.
Inanunsyo ni Jonvic na nakalabas na ng bansa si Atong Ang. Sa “backdoor” daw ito dumaan.
Pero kinontra ng Department of Justice ang pahayag ni Jonvic. Wala raw rekord ang immigration na nakalabas si Atong ng bansa. Mahigpit anito ang pagbabantay sa mga backdoor ng bansa. Nasa Pilipinas pa raw si Atong Ang.
Tungkol naman kay Zaldy Co, ang dating mambabatas na kumamal ng daang bilyones sa mga multo at substandard govt. projects, sinabi ni Jonvic na nasa Paris ito. Nakatira sa kanyang $600 million mansion. Nag-aaplay daw ito ng asylum doon.
Sinabi ni Jonvic na nag-aaplay na sila ng ‘red notice’ sa Interpol para makuha si Co kapag na-deny ang asylum nito.
Ganito rin ang ipinahayag ni Jonvic laban kay Harry Roque na nagtatago naman sa Austria.
Maraming beses nang nagpahayag si Jonvic tungkol sa kinaroroonan ng naturang wanted personalities na ito, pero wala pa siyang naaaresto.
Panawagan ng netizens, mag-resign ka nalang, Jonvic! Now na! Puros kalang daw pa-pogi eh!!!
***
Nanawagan ang Malacañang kay Senator “Bato” na kusang sumuko upang maiwasan ang posibleng pagdanak ng dugo sa isinasagawang operasyon para sa pag-aresto sa kanya.
Ito ang pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, kasunod ng babala ni Interior Sec. Jonvic Remulla na posibleng maging madugo ang pag-aresto sa senador dahil sa proteksiyong ibinibigay sa kanya ng malaking armadong grupo.
Tinawag ni Castro na nakababahala ang naturang sitwasyon, na aniya ay maaaring magdulot ng banta sa pambansang seguridad. Ganun?
Tumanggi ang opisyal na pangalanan ang grupong umano’y kumukupkop kay Bato dahil hindi pa siya awtorisadong maglabas ng impormasyon habang nagpapatuloy ang operasyon.
Anong malaking grupo ba ang armado sa Mindanao? Dalawa lang yan, MILF at MNLF. Sno sa kanila, Sec. Jonvic?