PILIPINO MANINDIGAN KA: SA ATIN ANG WEST PHILIPPINE SEA MASYADONG PANGWAWALANGHIYA NA ANG IPINAKIKITA NG CHINESE ENVOY NA SI JING QUAN!
Advertisers
Ang UNCLOS Arbitral Ruling mahigit 10 taon na ang nakakaraan ay iginagalang ng buong mundo — maliban sa Tsina! Mariing iginawad ng UN body na ito and hatol na walang bisa ang sinasabi nilang 9 dash line umano na batay sa kasaysayan ng kanilang bansa at base sa kanilang iginuhit na mapa na sumasakop daw sa mga katabing bansang kanilang inaangkin, kasama na ang mga PULO-PULO at KARAGATANG NAKAPALIGID SA ATING BANSA…Ang West Philippine Sea!
Nitong huling mga araw itong sugo ng KOMUNISTANG TSINA na si Jing Quan ay walang kagatol-gatol na nagsabi sa harap ng trimedia at ladlarang pumailanlang rin sa social media na ” kung gugustuhin nila (Tsina) na GUPILIN ang ating bansa ay tiyak na madali kayong magagapi.”
Sa pakiramdam ng inyong Koyang, lalo na ang mga kapwa nating naninindigang PILIPINO na sina DND Secretary Gibo Teoddoro at Philippine Coast Guard Admiral Jay Tariela kalabisan na ang ginagawa ng KOMUNISTANG TSINA na pangaapi at pangiinsulto sa ating mga mangingisda at maging sa mga Senador at representative sa Congress. May hamon pa siya na umano’y di niya papayagang makapasok sa Tsina ang sinumang hahadlang sa kanyang naisin. Na umano’y ang ilan sa mga pulitiko at matataas na opisyal na ating bansa ay mga persona non grata na at di makapapasok sa anumang lupaing ari nila—- at iyan ay banta niya sakali’t siya ay idiklara ng Pilipinas na Persona Non Grata.
Ang masama pa nito, ilang Senador na tinaguriang Tsinado o CHINATOR sa mainstream at social media ay hindi mo maringgan man lang o makitang nanindigan sa mga kawalanghiyaang ito ng Chinese Coast Guard at communist militia na paulit-ulit ang paglalapastangan sa ating mga mangingisda sa Scarborough Shoal, sa Kalayaan Group of Islands at itong huli sa ating karagatang sakop ng ating economic zone sa Batanes.
Pati itong tsinador na walang galang rin sa robang pula na suot niya sa Impeachment Court sa Senado ay lantaran ang pagpanig sa singkit na sugong ito ng KOMUNISTANG TSINA — sabay sasabihin sa mga naninindigang PILIPINO na personal na harapin ang singkit na komunista ??? (Kung matapang sila?!) PILIPINO ka na ba????
Nuon pa ang kiling ng mga Duterte — – pati na mga kabig nila sa pulitika — ay sa Tsina. Panahon ni dating PRRD nang pumutok na, ang ating bansang Pilipinas ay malapit nang maging isang probinsya ng Tsina. Bumaha sa presensya ng mga singkit ang lipunang PILIPINO — pati Malacanang ay pasyalan ng Chinese communists disguised as businesmen. Mga military installation ay maluwag na naiikutan ng mga ito at sa isang banda naiulat rin na marami sa mga ito ang maluwag na nakapasok sa bansa nang di halos sinisita kung ano ang pakay ng pagparito.
Ang lahat ng kaganapan ito ay sadyang nakakabahala! AKO AY PILIPINO … ito ang sambit ng mga makapili o traydor sa ating bansa. Kilala na sila at sa isang di nating inaasahang pagkakataon sila ang tatarak sa ating likuran pagdating na panahon.
Ngunit sa paninindigang nakikita natin sa mga hayagan o vocal na lider, gayun na rin ang mga tahimik na kapwa natin na handang manindigan na di tayo pasusupil at ipagtatanggol ang ating soberenya, napapanahon na para harapin ang katotohanang iaalay ng tunay na PILIPINO ang kaisaisang buhay para sa Inang Bayan. MANINDIGAN KA PILIPINO!