Advertisers

Advertisers

PATULOY NA WALISIN ANG POGO

0 20

Advertisers

Sa isang kapihan, walang patumangga na binahagi ni dating PAOCC Director Winston John Casio ang dami ng matagumpay na pagsalakay sa mga tanggapan ng POGO at online scamming sa bansa. At sa bihirang pagkakataon, tinatanaw ang bansa na isa sa pinakamahusay na lumaban o nilabanan ang pagkalat ng sugal sa bansa higit ang on-line. Labis sa daliri sa kamay ang bilang sa matagumpay na pagsalakay sa mga POGO hub at karamihan sa mga nadampot na tauhan ay mga dayuhan. Sa pinaka-huling pagsalakay na naganap sa Alicia, Zamboanga Sibugay higit na 200 tauhan ng POGO ang nadampot at karamihan galing sa Tsina. Sa pagsalakay sa banggit na tanggapan ng POGO sa kaTimugan ang pinakamalaki at maraming tauhan nalambat sa kasalukuyang buwan. Sa pag-uusisa marami sa nadampot ay walang kaukulang o tamang dokumento upang maging o makapaghanapbuhay sa bansa. Sa kabilang banda, hindi agarang maibalik sa kanilang bansa ang mga nahuli dahil sa patuloy na pag-uusisa.

Sa kasalukuyan, patuloy ang operasyon ng PAOCC laban sa illegal na POGO-hub at tila may kabigatan sa pagbabagong-anyo ng operasyon. Sa pagkakabatid, tinilad-tilad ng mga operator ang bilang ng mga tauhan ng maging mukhang maliit ang operasyon. Ang dating malakihang bilang ng mga trabahante’y pinaliit ngunit ibinahay sa iba’t ibang lugar ng maging ‘di pansinin. Sa kasalukuyan, ‘di lumalagpas sa walo ang bawat lungga ng POGO ng ‘di makakuha ng maging pansinin. At ang sistema, hatid – sundo ang mga trabahante at ‘di hinahayaan na lumabas sa mga tinutuluyan at sa lugar ng trabaho. Marami ang ibinawal ngunit ‘di kasama ang online gambling at scamming.

Sa paglalahad ni Dir. Casio sandamukal sa bansa ang POGO na patuloy ang pagpasok sa bansa mga trabahante bilang legal na trabahante ngunit tuwirang dinadala sa online scamming. Sa pagsalakay sa mga naganap, umaabot sa 5K katao ang nadampot na karaniwan mga dayuhan mula sa ibang bansa sa Asya at sa Tsina. Sa banggit na datos, marami sa huli’y sa buwan ng Oktubre ‘25 na tila maraming natatanggap ang mga Pinoy na kaperahan at mula sa G. Luzon. Sa banggit sa itaas, nagsiguro ang mga operator ng POGO at nagbago sa operasyon mula sa malaki tungo sa maliit ngunit pareho ang takits. Sa pagbabagong anyo sa operasyon ng POGO silip na nahirapan ang operatiba ng pamahalaan sa pagsalakay at pagkuha ng impormasyon. At sa kasabihan sa karanasan ‘di magagalaw ang sino man hanggang walang basbas ng lokal na opisyal.



Sa pagsasaliksik nabatid na ang isang operasyon ng POGO’y may tauhang walo, ngunit maliit ang P2M kita sa araw – araw. Ang banggit na kita at maliit na gastusin ang dahilan sa pagdami ng manloloko sa social media. At ang masakit naging mahirap sa mga operatiba ng pamahalaan sa pagtukoy ng mga lugar na pinaglalagyan ng operasyon ng on-line scamming at POGO. Sa kabilang banda, ang maraming mga nahuling mga trabahante sa banggit na tanggapan ang nagpapahirap sa PAOCC sa dahilan ng pondo. Sa pagkaka-alam, ibinabato ng PAOCC sa ibang tanggapan ang kustodiya ng mga nahuli sa kawalan ng pondo sa pagpapakain.

Sa pagpapalit ng mukha sa operasyon ng POGO at online scamming hindi inalis na mahihirapan ang ilang tanggapan ng pamahalaan na masawata ang banggit na salang gawa. Bukod ang usapin sa pondo na karaniwang usapin ng tanggapan na gumagawa ng mga pagsalakay. Sa totoo lang, ang pagbibigay ng tamang ayuda o pondo sa mga operatiba higit sa PAOCC ang magwawalis sa operasyon ng POGO sa bansa. At inaasahan ang pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan higit ang DILG na batid sa kakupadan ng kalihim o sadyang ‘di ibig ang galawan sa POGO dahil minsan naging bahay ang isla pag-aari ng pamilya. Ang mga tagumpay na ginawa ng PAOCC kontra sa POGO’t on-line scamming ang higit na bigyan pansin sa panahon na tumataas ang dami ng naloloko na on-line user. Sa totoo lang, mismong FB account ng inyog lingkod ang minsang na-hack at ginamit sa panghihingi ng ayuda sa mga kaibigan sa FB. Bukod dito, isinara ang aking FB account dahil sa banggit na dami ng nagbanggit na pinadalhan ko kuno ng mensahe.



Bilang karagdagan, ibig ipabatid sa mambabasa na higit na nagbago ng mukha sa social media ang operator at mga manloloko sa pagpasok sa on-lending gamit ang plataporma ng POGO. Sa ibang mahilig sa on-line game, walang bayad ang mag-ingat higit naging mapaglikha ang mga operator na banggit. Sa totoo lang, ma-eengganyo sa paglalaro at ang mangutang ngunit ganap na pagsisihan ang salang gawa dahil pipigain ng mga operator na magbayad sa higit na mataas na halaga. Ang pagbabagong anyo ang banggit na plataporma na nagpapahirap sa mga operatiba ng pamahalaan sa pananalakay sa online scamming.

Sa ilang tanggapan ng pamahalaan, higit sa Bureau of Immigration (BI), bigyan pansin ang pagpasok ng ilang mga dayuhan higit ang mga singkit na kahina-hinala ang pakay sa pagpasok sa bansa. Sa dami ng mga dayuhan na nadakip sa salang operasyong banggit, naulinigan na muling nakakabalik sa bansa ang mga dayuhang napauwi sa kanilang bansa na may ibang ngalan. Sa naulinigan, may ilang pumasok na illegal na makakabalik at natatakan ang dokumento na muling naghahanap-buhay sa bansa. At may ‘di paso ang panahon ng pagtigil sa bansa’y muling nagpatatak ng dokumento at nagpahaba sa pagtigil. Pumasok sa isip na magtanong, nagaganap ba sa tanggapan ng BI ang bangit? Busisiin mo nga ito Comm. Viado.



Sa mga mambabatas, tuunan ang nagawa ng PAOCC at bigyan halaga ang banggit na tanggapan na nabigyan pansin maging sa labas ng bansa. Sa totoo lang, ang naganap na pang-scam ang ibig matigil ng ‘di maganap sa mga kaibigan. Matuto sa karanasan at ang dahilan sa apelang banggit na bigyan halaga ang nagawa ng tanggapan. At babanggitin ang National Bureau of Investigation na katuwang ng PAOCC sa operasyong isinagawa. Sa totoo lang, walang kakilala sa PAOCC ang Batingaw ngunit sa nadaluhang balitaan, nagkaroon ng liwanag na may ahensya sa pamahalaan na maaaring takbuhan sa usapin ng online scamming.

Sa pamahalaan, patuloy na magbigay aral sa mga Pinoy sa salang gawa sa social media. Ang pagbibigay aral sa mga tao ang ganap na magwawalis sa salang gawa ng POGO sa bansa. Bilang panghuli, ang pagtutulungan na mawalis ang POGO at online scamming, ang pakikiisa ng bayan at mamamayan ang pinaka-mahalagang sa pagwawalis sa POGO. Ang pakikiisa ng bayan ang susi upang matigil ang salang gawa sa on-line.

Maraming salamat po!!!!