Advertisers

Advertisers

NARTATEZ JR., COLLANTES AT BARCELON, GIBA!

0 22

Advertisers

PDGen. Jose Melencio Nartatez Jr., Nasugbu Mayor Antonio Jose Barcelon at Tanauan City Mayor Sonny Collantes

ANG hindi pag-aksyon laban sa mga ilegal na bisyo na namamayani sa mga siyudad at bayan sa Batangas at CALABARZON ay isa sa nagiging dahilan upang mabura ang unti unti ng gumagandang imahe ng kapulisan na nalilikha ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.



Ayon sa Mamamayan Laban sa Krimen at Bisyo (MKKB) na isang anti crime and vice group sa CALABARZON, ang hindi agad agad at patumpik tumpik na pagtalima ng mga field officer sa utos nina PDGen. Nartatez Jr. at Region 4A Acting Dir. BGen. Dominic Baccay na linisin sa mga ilegal na aktibidad ang CALABARZON ay sanhi ng “poor performance” ng kapulisan na nakikita ng mga mamamayan.

Karamihan sa mga alkalde, vice mayor at barangay official bukod sa ilang matataas na opisyales ng PNP sa CALABARZON ay sila pa ang kumukunsinti, kasabwat at protektor ng mga gambling maintainer at iligalista.



Sa madaling salita ay namamantikaan ang kanilang mga nguso ng salaping mula sa mga illegal vices tulad ng peryahan na pulos sugalan (pergalan) na may shabuhan, sakla, Small Town Lottery (STL) bookies o jueteng at iba pa.

Laganap ang operasyon ng ilegal na pasugal ang Tanauan City at Nasugbu kung saan ay lantaran ang sugal na color games, drop balls at iba pang labag sa batas at madadayang table at card games.



Isang alyas Baby Tomboy ang iniulat ng MKKB na untouchable gambling operator sa Batangas. Minsan nang ineskandalo ni alyas Baby Tomboy ang pamunuan ng PNP sa rehiyon nang pamunuan nito ang isang grupo ng mga gambling operator at nagsumbong kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na sila ay kinokotongan ng daan libong weekly protection money ng ilang police official sa rehiyon upang sila ay payagan na malayang makapagpasugal.

Ngunit hindi pumabor ang DOJ sa panukalang imbestigasyon sa senado kaugnay sa sumbong nina alyas Baby Tomboy at ng kasamahan nitong kunwari’y lider ng bogus na asosasyon na sina alyas Evelyn at alyas Glenda na bukod sa pagpapasugal ay suma-sideline ding drug pusher gamit ang kani-kanilang nailatag na kubol sa mga peryahan.

Ang ilegal na sugal ni alyas Baby Tomboy sa Tanauan City ay nasa A. Mabini Avenue, na pangunahing lansangan sa siyudad na sumasakop sa mga Brgy 1- 4. Nasa Brgy. 2 ang konsentrasyon ng mga ilegal na pasugal na may bentahan din ng droga kung saan gamit ni alyas Baby Tomboy ang mga alipores nitong sina alyas Onad, alyas Rommel at alyas Pajon sa pagbebenta ng shabu.

Bagamat hayagan ang sugal at bentahan ng shabu sa mataong A. Mabini Ave., ay wala namang aksyon laban dito sina Tanauan City Mayor Sonny Collantes at Police Chief Lt. Col. Caesar Binucal. Liban sa pergalan/shabuhan ay talamak din ang sakla operation ng isang alyas Lucido sa naturang lungsod. Totoo kayang “namantikaan ang mga nguso nila”?

May mga pasugalan din si alyas Baby Tomboy sa Brgy. 3 sa bayan ni Nasugbu Mayor Antonio Jose Barcelon ngunit kataka-takang “tengang kawali” lang laban dito si Mayor Barcelon at si Police Chief Lt Col. Angelito Guardian. “Namamantikaan din kaya ang mga nguso nila”?

Maliban kay alyas Baby Tomboy ay talamak din ang sakla sa Nasugbu na pinatatakbo ng dalawang pulis sa mga barangay ng Reparo, Lumbangan, Brgy. 4, Manggahan, Bucana at Tumalim.

Ang iba pang mga sakla den sa Batangas ay ang inooperate nina alyas Tisoy alyas Nonit at Jeff sa bayan ni Padre Garcia; ang saklaan nina alyas Magsino at alyas Adie sa Sto. Tomas City at bayan ng Mataas na Kahoy; saklaan nina alyas Danny at alyas Mayor sa Lemery; sakla ni alyas Morpe sa bayan ni Rosario Mayor Leovy Morpe; sakla ni Ronnel ng bayan ng San Juan; sakla ni alyas Kap Mike sa mga bayan ng San Luis at Alitagtag; sakla ni alyas Digo sa Poblacion at Lumbangan sa bayan ng Tuy at Arnaiz sa bayan ng Taysan.

Marami pang pergalan, sakla den at iba pang uri ng sugal sa Cavite, Laguna, Rizal at Quezon na di naaaksyunan ng kapulisan nina PDGen. Nartatez Jr. at BGen. Baccay. Ang mga ito ang nagpapababa sa efficiency rating ng PNP sa kanyang kabuuan. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144