Advertisers

Advertisers

Yeng Yeng Yo!

0 24

Advertisers

Isa si Joseller “Yeng” Guiao sa pinaka-outspoken na personalidad sa kasaysayan ng PBA. Parating may posisyon sa mga isyu sa liga. Walang takot na magsalita.

Ilang ulit inihahayag niya ang kawalan ng pagkakapantay ng mga koponan. Kontrolado daw ang takbo ng liga ng mga mayayayaman na koponan.

Nguni’t ang Kapampangan na coach ay marami rin nagawa at hindi lang puro satsat. May aksyon siya sa mga problema na dumarating hindi lang sa basketball kundi sa buong mundo ng sports.



Noong siya ang pinuno ng Basketball Coaches Association of the Philippines ay dinala hanggang sa DOLE at husgado ang kaso ng mga banyagang mentor sa bansa lalo na sa PBA.

Nakakuha siya ng isang desisyon na pabor sa mga lokal. Maliban kina Tim Cone at Norman Black na kasal sa mga Pinay ay ipinagbawal na mga banyaga na head bench tactician sa pro league. Kaso lumulusot ngayon ang ibang team sa pamamagitan ng “active consultant” status.



Ang anak ni dating Gov Bren Guiao at naging kongresista rin ng probinsya ang nagsampa sa Korte Suprema na nagkwestiyon ng pagbaba sa 2.13% ng 5% na kontribusyon ng Pagcor sa sports. Tinapyas kasi ito sa pamamagitan lang ng isang executive order sa panahon ni Presidente Fidel Ramos.

Naipanalo niya rin ito. Kaya balik na sa 5% ang dapat ibigay ng Pagcor sa PSC.



Kailangan ito dahil lumiit pa ng P895M ang aprubadong pondo ng Kongreso.

Sa katunayan humihingi ang ahensya ng P21B sa DBM pero P1.3B lang isinama sa kabuuan. Mabuti dadaan pa ito sa Senado at posible pang tumaas.

***

Ipinakita ni Walker Kessler ang tunay niyang halaga sa LA Lakers sa debut game niya kontra Golden State.

Nagtala siya ng 26 na puntos. 9 na rebound at 2 block. 12 of 12 ang shooting percentage at 10 diyan ang dunk shots.

Naaabot niya ang mga lob pass nina Luka Doncic at Austin Reeves tapos diretso saksak sa basket.

Pinatunayan niya na deserving siya P130M sa 4 na taong kontrata niya sa purple at gold. Nawalan pa ng 2 1st round pick dahil sa trade sa Utah.

Noon pa siya ibig makuha nina Rob Pelinka ngun’t ngayon taon lang nagbunga ang negosasyon.

Pati si Doncic bilib sa 25 años na seven-footer.

” Ilang beses ko siya nakalaban at pinahirapan niya kami sa ilalim, ” sabi ng Slovenian.

Scoring center at rim protector talaga ang husay ni Kessler kaya bagay siya sa Lakers.

Pero maipapamalas niya ang tunay niyang galing sa paghaharap nila sa Miami na may Giannis Antetokounmpo at sa Denver na nandoon si Nikola Jokic.

***

Enjoy si Pepeng Kirat sa panonood ng round of 16 match ni Alex Eala vs Diana Shnaider sa Ningbo Open, isang WTA 500 na tournament.

First time niya masaksihan ng buo ang laban ng ating tennis sensatiom. Sa Premier Sports 2 sa Cignal Channel 273 niya ito natunghayan.

Mahigpit daw ang game sa China pero nadaig ng Russian na si Shnaider si Eala 5-7, 4-6.