Advertisers

Advertisers

Veteran journalist Philip Lustre laya na sa Libel

0 20

Advertisers

NAKALAYA na ang beteranong mamamahayag na si Philip Lustre Jr. matapos maglagak ng P48,000 piyansa nitong Sabado ng gabi, Oktubre 24.
Inaresto si Lustre Sabado ng umaga sa isang forum sa Quezon City kaugnay ng kasong cyber libel laban sa kanya sa Davao City.
Nakalabas si Ilustre sa Kamuning Police Station 10 sa Quezon City 11:00 ng gabi matapos ang paglalabas ng kautusan ng Quezon City RTC Branch 217.
“This was not an easy feat. Many people and parties helped quietly. They did what they could to help me silently. No fanfare. They just helped me without me asking their help,” ani Lustre sa isang pahayag sa Facebook.
Nagpasalamat din siya kay Atty. Dino De Leon, na nagsilbing counsel niya, gayundin sa dalawang associate nito na sina Atty. Mark Da-vid Dacula at Atty. Arni Pia Olga Naya ng Dargon Law Offices, na tumulong bilang kanyang mga kinatawan.
Sinabi ni Lustre na nag-ambagan ang kanyang mga kaibigan sa media para sa pi-yansa at nakalikom ng P50,000 sa loob ng wala pang isang oras upang matugunan ang kinakailangang P48,000.
Ayon din kay Lustre, hindi nakasaad sa complaint ang pangalan ng complainant. Si-nabihan aniya siyang nasa hiwalay na information sheet ang pangalan nito at hindi kalakip ng charge sheet. Gayunman, sinabi niyang wala siyang nakitang information sheet at wala ring isinagawang preliminary investigation.
“It was definitely a special operation against me. The intention was to have me arrested on a Saturday and stay in jail on a weekend because I might not be able to post bail for my release. There was procedure flaw in the process. That was how deep the Davao Group do their thing,” dagdag niya.
Nagpasalamat din siya sa mga kaibigang nagpahayag ng suporta, kabilang si Senadora Risa Hontiveros, na bumisita sa kanya sa presinto, at si Rep. Jude Acidre, na tumawag upang mag-alok ng tulong.
Si Lustre ang nagsulat ng aklat na ‘Kill, Kill, Kill’ tungkol sa mga pagpatay noong alkalde ng Davao City at pangulo ng bansa si Rody Duterte, at kolumnista ng national daily tabloid na Police Files TONITE.