Advertisers

Advertisers

Sablay na flood control bubusisiin ng Senado

0 8

Advertisers

IIMBESTIGAHAN ng Senado ang umano’y sablay na flood-control projects at ang ugat ng matinding pagbaha matapos maghain si Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III ng resolusyon kaugnay sa pinsalang iniwan ng magkakasunod na bagyo at habagat noong Agosto.

Sa Proposed Senate Resolution No. 631, sinabi ni Sotto na halos lingguhan ang pananalasa ng bagyo at habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha, suspensyon ng klase at trabaho, pagsasara ng mga negosyo, pagka-stranded ng mga commuter, at paglubog ng libu-libong kabahayan.

Pinaiimbestigahan din ng senador ang tibay at pagiging epektibo ng mga flood-control project matapos umabot sa tinatayang P5.1 bilyon ang pinsala sa pampubliko at pribadong imprastraktura.



Kabilang sa binanggit ang mga nasirang flood-control project sa Sablayan, Occidental Mindoro, pagguho ng bahagi ng Benguet–Nueva Vizcaya Road, at pagbagsak ng Aquino Bridge at Agana Bridge sa Tarlac City noong Agosto 29.

Bukod sa imprastraktura, ikinabahala rin ni Sotto ang ulat ng Department of Health na 5,486 kaso ng leptospirosis at 344 nasawi ang naitala kasunod ng malawakang pagbaha.



Ayon pa kay Sotto, panahon na upang suriin kung sapat pa ang kakayahan ng mga pampublikong imprastraktura laban sa lumalalang kalamidad at tiyaking may pananagutan ang mga responsable sa mga proyektong dapat sana’y nagpoprotekta sa mamamayan. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">