Advertisers

Advertisers

‘Di iiwan ang Kapamilya… Arjo pabertdey sa labs na si Maine ang pag-guest sa Kapuso show

0 207

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGKAROON ng espekulasyon na posibleng mag-ober da bakod na rin ang Kapamilya at award-winning actor na si Arjo Atayde nang mag-guest siya sa GMA-7 sa programang Daddy’s Girl.

Ani Arjo, ang pagpayag niyang maging panauhin sa naturang sitcom ay birthday treat niya sa kasintahang si Maine Mendoza na magdiriwang ng kaarawan ngayong Marso.



Sa pag-renew ng kanyang kontrata sa Kapamilya Strong event ng ABS-CBN, naselyuhan ang mga haka-hakang lilipat na na rin sa  ibang istasyon ang nasabing actor.

Ayon pa kay Arjo, malaki ang utang na loob niya sa network at kailanman ay ‘di niya ito iiwan.

“Because I’m a team player and if they sink, I sink with them. If they’re gone, I’m gone with them. The reason why I’m staying is this is my home and I don’t want to be elsewhere but here.”

Sa virtual contract signing, sinabi rin niyang proud siyang Kapamilya.

“I am a Kapamilya. I am born to be a Kapamilya, and I will stay here no matter what. That’s how I am,” ani Arjo.



Pagkatapos manalo ng best actor sa Asian Academy Creative Awards at parangalan ng FDCP bilang film ambassador, magiging abala si Arjo sa pagpro-prodyus ng movies na ang isa ay tribute sa beteranong actor na si Eddie Garcia.