Advertisers

Advertisers

Duque, Galvez tuturukan ng Sinovac vaccines ngayon

0 394

Advertisers

KINUMPIRMA ni Senator Bong Go ang pagturok ng coronavirus vaccine ng Sinovac kina Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine czar Carlito Galvez ngayong araw, Marso 1.
Ito ay matapos dumating kahapon ng 600,000 doses ng bakuna na donasyon ng China.
Sinabi ni Sen. Go, posibleng sa East Avenue Medical Center o Lung Center of the Philippines bakunahan si Duque.
Habang sa UP-Philippine General Hospital naman si Galvez.
“Mauuna na silang magpapabakuna para ipakita sa publiko na magtiwala tayo sa ating gobyerno at sa ginagawa ng gobyerno na tanging ang bakuna lang ang pag-asa,” pahayag ni Go.
Bukod kina Galvez at Duque, nakatakda rin daw bakunahan ngayong araw si Testing czar Vince Dizon, at iba pang miyembro ng gabinete.
Si Pangulong Duterte naman, handa rin umanong magpaturok ng bakuna. Pero dedepende pa ito sa magiging abiso ng kanyang mga doktor.
Sa ilalim ng emergency use authorization na iginawad ng Food and Drug Administration, inirerekomenda lang ang bakuna para sa mga malulusog na 18 to 59-year old na indibidwal.
Ang 100,000 doses ng Sinovac vaccines ay naka-reserba na para sa Department of National Defense.