Advertisers
NAKARANAS ng masamang pakiramdam ang apat na katao na kabilang sa mga binakunahan ng Sinovac vaccine sa Veterans Memorial Medical Center nitong Lunes, Marso 1.
Nabatid na isang staff ng VMMC ang nahilo at nilabasan ng rashes habang dalawang staff ng Department of National Defense (DND) ang sumakit ang ulo at tumaas ang presyon.
Dalawa sa mga ito ay nakalabas na ng pagamutan habang ang dalawa ay kasalukuyang inoobserbahan.
Ngayong araw sinimulan ang pagbabakuna gamit ang China made vaccine na Sinovac. (Jonah Mallari)