Advertisers

Advertisers

P1.7m shabu nasabat sa Zambo

0 176

Advertisers

TIMBOG ang isang lalaki nang mahulihan ng nasa P1.7 milyong halaga ng shabu sa Barangay Tumaga, Zamboanga City nitong Lunes.
Kinilala ang nadakip na si Almutla Maharam alias “Mutla”, 39 anyos, ng Brgy. Mariki, Zamboanga City.
Ayon kay PNP Chief, Gen Debold Sinas, isinagawa ang buy bust operation ng mga elemento ng Special Drugs Enforcement ng Zamboanga City Police Station sa Brgy Mariki.
Nakuha kay Maharam ang 4 malalaking pakete ng shabu at may bigat na 250 gramo.
Sa report, si Maharam ay nagbabagsak ng malakihang halaga ng shabu sa iba’t ibang bayan sa Zamboanga. (Mark Obleada)