Advertisers
SINIBAK na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro dahil sa pagmamaltrato nito sa kanyang OFW na kasambahay.
Ito ang ipinahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang weekly nation address nitong Lunes ng gabi.
“‘Yung ambassador doon sa Brazil who maltreated a household helper, ito repeatedly inflicted physical harm doon sa tao. The recommendation was, and I signed the order, the other day or last night, I signed the document affirming the decision,” ani Pangulong Duterte.
Maliban sa dismissal sa serbisyo, sinabi rin ng Pangulo na kanya ring babawiin ang mga benepisyo na dapat makkuuha ni Mauro sa kaniyang pagreretiro at otomatikong disqualified na ito sa anumang posisyon sa gobyerno.
Matatandaang nakunan sa CCTV ang ginawang pagmamaltrato ni Mauro sa kanyang Pinay na kasambahay sa loob ng kanyang diplomatic residence sa Brazil ng nakaraang taon. (Vanz Fernandez)