Advertisers

Advertisers

2 BGY. CHAIRMEN, DRIVER PATAY SA AMBUSH

0 619

Advertisers

PATAY ang dalawang punong barangay at driver nang tambangan ng riding-in-tandem sa Tarangnan, Samar nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina PB Bonifacio Babon, 63, ng Barangay Marabut; PB Amelita Helbolario ng Barangay Awang; at kanilang driver na si Elpidio Babon.
Sa report ng Tarangnan Police Station, 8:40 ng umaga nang maganap ang pananambang sa Barangay Balugo, Tarangnan.
Ayon sa ulat, sakay ang mga biktima ng motorsiklo na minamaneho ni Elpidio patungong Tarangnan proper para dumalo ng pagpupulong ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Liga ng mga Barangay nang tambangan ng mga nakamotorsiklo at pinaulanan ng mga bala mula sa .45 kalibre na baril.
Napuruhan ang dalawang Babon na agad nasawi. Isinugod naman sa ospital si Helbolario pero hindi na ito umabot ng buhay.
Mabilis na nawala ang mga salarin matapos ang pamamaril.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya.