Advertisers

Advertisers

Covid update: 266 gumaling; 15 nasawi; 2,452 bagong kaso

0 352

Advertisers

NAKAPAGTALA muli ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Marso 4.
Sa pinakahuling update ng DOH, 2,452 pang mga bagong kaso ng COVID-10 ang nadagdag kaya umabot na sa 584,667 ang total case.
Samantala ay mayroon namang naitalang 266 na gumaling at 15 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.4% (37,226) ang aktibong kaso, 91.5% (535,037) na ang gumaling, at 2.12% (12,404) ang namatay.
Sa ika-apat na araw na vaccination, umaasa ang DOH na mas marami pang mga medical workers ang magpapabakuna ng Sinovac vaccine mula sa iba’t-ibang hospital bagama’t nakatakdang dumating ngayong gabi ang AstraZeneca vaccines.
Paalala ng DOH, huwag magpakampante kahit may bakuna na dahil maari pa ring mahawa ng sakit bagama’t mababa na ang tyansa ng pagkakaospital.
Lagi ring tandaan ang mahigpit na pagsunod sa health protocols at minimum public health standards. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)