Advertisers
SINIBAK na sa Philippine National Police Academy ang kadeteng nagpositibo sa iligal na droga at ang kadeteng nambugbog ng kapwa kadete.
Kinumpirma ito ni PNPA Director MGen. Rhoderick Armamento.
Ayon kay Armamento matapos sumailalim sa summary proceedings at napatunayang gumagamit ng iligal na droga ang naturang kadete napagdesisyunan na siya ay i-dismiss sa academy.
Habang ang kadeteng nambugbog ng kapwa kadete ay dinismiss na rin mula sa cadetship training habang ang dalawang iba pang sangkot ay suspendido ng isang taon.
Dahil sa insidente, may mga ipinatupad na pagbabago ang pamunuan ng PNPA.
Binigyang-diin ni Armamento na ang insidente sa PNPA ay kanilang itinuturing na isolated cases lamang.
Gayunpaman, sa mga ipinatupad nilang pagbabago o reporma sa loob ng academy masasabi na aniya nila na nakabangon muli ang PNPA mula sa mga nangyaring kontrobersiya.