Advertisers

Advertisers

Wala na naman si Derek… Sef game ligawan ulit ang ex-labs na si Andrea; Winwyn hiwalay na naman sa syota

0 270

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ANG maigting na pagbati na ginawa ni Winwyn Marquez sa dating boypren na si Mark Herras, na kamakailan lang ay naging ama ulit via his fiance na si Nicole Donesa, ay hudyat na para sabihing after almost 3 years na pananahimik ay nakapag-move on talaga siya sa hiwalayan nila.

Hindi lang sa pagiging ama ulit binati ni Winwyn si Mark kundi sa napabalitang pagpapakasal na nila ni Nicole.



Ang isang pang senyales na happy na si Winwyn ngayon without Mark ay ang pag-amin ng Kapuso beauty queen/actress na in-relationship na rin siya.

Bagama’t marami ang pumupuna na hindi raw kumpleto ang lovelife ni Winwyn kasi kabagu-bago lang nilang magdyowa ay agad na silang  naghiwalay, physically.

Si Winwyn kasi ay nasa lock-in taping ng kanyang teleserye na “Owe My Love” at may isa pa rin siyang show sa GTV. Kaya  tsikang bitin si Winwyn sa pisikal na lambingan nila ng bagong boypren kahit pa sabihin na madalas silang nag-uusap thru video calls.

Pero masaya raw si Winwyn sa kanyang personal na buhay dahil sa may boypren na siya.

“Hindi ako nalulungkot sa lock-in taping kasi feeling ko andito na rin siya … Happy naman. Happy ‘yung heart ko, so kahit malayo ‘yung loved one ko, saka na kami magkikita after lock-in,” say ni Winwyn.



Tulad din noong sila pa ni Mark ay umaasa si Winwyn na ang boypren ay magiging kasama na niya panghabang-buhay.

***

NAKILALA si Sef Cadayona bilang isang  komedyante kaya regular siyang cast ng comedy show na ‘Bubble Gang’ ng GMA7 at sa naturang show din nakilala at naugnay sila ni Andrea Torres.

Dating regular cast si Andrea sa Bubble Gang pero mas nag-focus ang dalaga sa kanyang akting karir kaysa pagpapatawa. Walang pag-amin sa naging relasyon ang dalawa kahit marami sa mga kasamahan nila ang nagsasabing may tinagong relasyon sina Andrea at Sef.

Ngayon na wala na si Andrea at dating boypren na si Derek Ramsay ay diretsahang tinanong si Sef kung mayroon pa rin siyang nararamdaman hanggang ngayon kay Andrea.

Say ni Sef, nagkaroon daw sila ni Andrea ng magandang samahan at hindi na yun maaalis sa  kanilang dalawa. Sa katanungan kung may chance na muli niyang suyuin si Andrea, say ni Sef hindi niya raw ito  masasagot pero ang masasabi niya lang daw ay willing siyang mag-reconnect sa isang taong naging malapit sa puso niya.

Biro nga kay Sef kung hindi ba naman siya naiinsekyur sa dating boypren ni Andrea sa tikas at pagiging hunk nito. Game naman itong sinakyan ni Sef sa pagsasabing hindi siya basta-basta mapatutumba.