Advertisers

Advertisers

Gerald inamin na, dyowa si Julia; Bea ‘di raw na-ghosting

0 316

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MATATAHIMIK na for sure ang mga namba-bash kay Gerald Anderson at maliliwanagan na sa kanyang panayam ni Tito Boy Abunda ukol sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo.

At ang pag-amin nito sa relasyon nila ni Julia Barretto na may magkaibang reaksyon ang netizens na boto kina Bea at Julia.



Taong 2019 nang pumutok ang hiwalayan nina Gerald at Bea at ngayong 2021 ay binasag na rin ng aktor ang kanyang katahimikan.

Itinanggi nito na may ghosting na nangyari sa kanila ni Bea at binigyan pa nga ng sariling definition ni Gerald ang katagang ghosting.



‘Yun ba raw eh nung nag-dinner sila ay bigla siyang nag-walk out at wala nga raw ganun.

Basta para raw toxic na ang kanilang relasyon na ‘di na puwede pang i-settle at hindi nga rin matanggap ni Gerald ang hiwalayan nila ni Bea na umamin ito na nasaktan din siya sa split up nila ng aktres.



Pero sa kabila ng pag-amin nito after 2 years na pananahimik sa status ng lovelife eh umamin ito na very, very, very happy ito sa relasyon kay Julia.

Dahil dito, kumuda na rin kaya si Julia ngayong inilantad na ni Gerald na dyowa nito ang aktres?

Mahilig kasi si Julia sa blind items  sa kanyang lovelife kaya nalilito ang netizens kung sino ba ang guy na nagpapasaya sa kanya.

May nakahula na si Gerald pero ang ilan naman ay nalilito.

Ayon sa netizens, tama lang na si Gerald ang umamin dahil pareho naman silang atat na magkaroon na ng pamilya.

***

SINO ba naman daw ang hindi mapapagod eh simula nung September  28, 2015 hanggang ngayong 2021 ay panay habol ni Cardo Dalisay  aka Coco Martin sa kanyang action serye na Ang Probinsiyano sa masasamang loob.

Naku, tila isasakto na sa 6 na taon ang pagtigbak sa action serye ni Coco.

May sitsit kasi na tila hanggang July na lang daw ang Probinsiyano. Pero may mga sitsit na baka hanggang September pa ito.

Sey ng aktor ay napagod na rin daw ito at gusto muna nitong ipahinga ang sarili.

Hataw naman daw kasi ang serye ni Coco sa YouTube na umabot sa 43-B ang views kaya magkakaalaman pa kung sa July o September na saktong 6 years titigbakin ang Probinsyano.

Well, well, well…’Yun na!