Advertisers

Advertisers

Rita walang ‘special treatment’ sa direktor na mister

0 315

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NILINAW ng magaling na aktres na si  Rita Avila na hindi siya pinapaboran o binibigyan ng special treatment ng kanyang mister na si Direk FM Reyes sa set ng kanilang toprating teleseryeng “Ang Sayo ay Akin.”

Ani Rita, pantay-pantay daw ang pagtrato ni Direk FM sa cast and crew ng nasabing TV series habang nasa lock-in taping sila.



Hirit pa ni Rita, wala raw naman siyang ‘K’ mag-prima donna lalo pa’t mga bigatin ang mga co-actor na kasama niya tulad nina Maricel Soriano, Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Sam Milby.

Matatandaan din kasing na-bash si Rita noon ng isang netizen dahil ginamit daw ng kanyang mister ang impluwensiya nito sa ABS-CBN para mapasama siya sa pinag-uusapang teleserye ng bayan.



Tungkol naman sa kanyang kontrabida role bilang Belen, aware raw siya na maraming naiinis sa kanya.

Gayunpaman, itinuturing daw niya itong barometro para masabing  epektibo ang kanyang pagganap kaya siya kinamumuhian.



Sa nalalapit na pagwawakas ng ASIAA, ibinahagi ni Rita na paboritong eksena niya ang kumprontasyon nila ng Diamond Star  bilang Nanay Lucing.

Tampok din sa ‘Ang SaYo Ay Akin’ ang pandemic love team nina Kira Balinger at Grae Fernandez.