Advertisers

Advertisers

9 patay, 6 arestado sa ‘search ops’ PINAKAMADUGONG ARAW SA MGA AKTIBISTA

0 474

Advertisers

DALAWANG araw pagkaraang pagsabihan ni Pangulong Rody Duterte ang pulisya at militar na “kill” at “finish them” ang mga komunistang rebelde kapag nakasagupa, ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagsagawa ng madugong operasyon sa Calabarzon (Calamba-Laguna-Batangas-Romblon-Quezon) nitong Linggo, Marso 7.
Hanggang ala-una ng hapon nitong Linggo, naiulat ng pulisya at militar na 9 ang napatay at 6 indibidwal ang naaresto na pinaniniwalaang mga aktibista sa Laguna, Rizal at Batangas.
Sinabi ng pulisya na nagsisilbi sila ng search warrants, pero sabi ng progresibong grupo ito’y pamamaslang.
Kabilang sa mga napatay si Emmanuel “Manny” Asuncion, secretary general ng BAYAN sa Cavite at kilalang mass organizer sa Southern Tagalog.
Kinilala rin ng labor rights group PAMANTIK-KMU ang ibang pinaslang na mag-asawang Chai Lemita Evangelista at Ariel Evangelista, kapwa miyembro ng progresibong grupo na Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagwawasak ng Kalikasan at Kalupaan (UMALPAS KA). Naulila nila ang 10-taon gulang nilang anak.
Habang ginagawa ang balitang ito ay nagpapatuloy pa ang operasyon, sabi ni Calabarzon Police spokesperson Lieutenant Colonel Chitadel Gaoiran sa panayam sa telepono.
Ang operasyon nitong Linggo ang pinakamalaking isang-araw na opensiba ng pulisya at militar laban sa mga aktibistang grupo, karamihan ay tinaguriang pulahan (red-tagged) ng Duterte administration.
Sa panayam sa telepono, sinabi ni Calabarzon police chief Brigadier General Felipe Natividad na ang operasyon ay pagtalima sa Executive Order No. 70 ni Pangulong Duterte, na tapusin ang communist insurgency sa buong bansa.
Ang operasyon nitong Linggo ay kasunod ng pagdeklara ni Pangulong Duterte sa kanyang speech noong Marso 5 (Biyernes) na: “I’ve told the military and the police, that if they find themselves in an armed encounter with the communist rebels, kill them, make sure you really kill them, and finish them off if they are alive.” – Rappler.com with Koi Laura