Advertisers
ITINAAS na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 2 ang Bulkang Taal nitong Martes, Marso 9 bunsod umano ng dumaraming abnormalidad ng bulkan mula pa nitong mga nakaraang linggo.
Sa nakalipas na magdamag, nakapag-record ang ahensya ng 28 volcanic tremor episodes at apat na low-frequency volcanic earthquakes.
Ang nasabing mga pagyanig ay may lalim lamang na 1.5 kilometro, kaya ramdam sa Volcano Island.
Maging ang seismic energy ay higit na tumaas kumpara sa mga naitala nitong mga nakalipas na buwan.
Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit sa bulkan, lalo na sa lugar na nasa permanent danger zone.
Gayunman, hindi pa inirerekomenda ang paglikas sa mga bayan ng Batangas na nasa paligid ng Taal.