Advertisers

Advertisers

Kris pamamanahan ang future syota ni Bimby

0 458

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA isang live video sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Kris Aquino ang kanilang naging pag-uusap ng anak na si Bimby.

Habang kumakain kasama ang fashion designer na si Michael Leyva, nabanggit ni Kris ang mga katangiang hinahanap niya sa future girlfriend ni Bimby.



Ayon kay Kris, dapat daw ay mahal ng prospective daughter-in-law ang anak.

Bet naman niya na religious at Christian ang kanyang magiging manugang.

Hirit pa ni Kris, maswerte ang babaeng makakatuluyan ni Bimby dahil mamanahin nito ang singsing na minana pa niya mula kay Tita Cory.

Ang nasabing engagement ring ay ibinigay umano ng kanyang ama sa kanyang ina.

Sey ng netizens, dahil napag-uusapan na ang future girlfriend or wife ni Bimby, this early daw ay kinukundisyon na ni Kris ang sarili na maging lola.



Sa isa pa niyang post, ibinahagi naman ni Kris sa kanyang social media accounts ang photos ng natanggap niyang bulaklak.

Sa imahinasyon ng netizens, luma-lovelife ang dating presidential sister.

Isang netizen ang nag-ugnay sa kanya kay Senator Bong Go at tila pinapahiwatig nitong sa senador galing ang bulaklak.

May isa pang netizen ang nagbahagi ng kanyang opinyon na hindi sila bagay ng senador sa pananaw nito.

Hindi naman pinalampas ni Kris ang panghuhusga sa senador at sinabing hindi niya papayagan ang ganoong klase ng komento sa kanyang social media account.