Advertisers

Advertisers

‘UMAMBUS’ SA MAYOR SA SAMAR MGA PULIS NAKA-BONNET, 1 KAPITAN

0 391

Advertisers

HINIHILING nitong Martes ng isang mambabatas sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng “impartial” investigation sa pagpaslang kay Calbayog City Mayor Ronald Aquino, na aniya’y napatay sa ambush, hindi sa shootout.
“Humihingi ako ng tulong. I can’t get justice from the Philippine National Police, I believe so,” sabi ni Samar 1st District Representative Edgar Mary Sarmiento sa panayam ng Teleradyo.
Pinabulaanan ni Sarmiento ang pahayag ng pulisya na ang insidente ay shootout.
“Ako’y nasasaktan na pinalalabas na shootout doon po sa ground zero. Maliwanag na maliwanag na sinasabi ng mga witnesses na talagang binaril muna ang sasakyan ni mayor,” diin ng mambabatas.
“Doon naman sa mga nang-ambush, masakit sabihin kaya lang mga naka uniporme ito, mga miyembro pa ng PNP. Ako’y nagtataka bakit naka-bonnet at saka naka M-203 pa. Talagang handang-handa.”
Ang umano’y encounter sa Barangay Lonoy, Calbayog City Lunes ng hapon ay nagresulta ng pagkamatay ng tatlong iba pa, kabilang ang pulis na close-in security ni Aquino at driver.
Sinabi ni Sarmiento na dalawang miyembro ng PNP ang napatay sa insidente.
Naniniwala si Sarmiento na ang dahilan ng pagpaslang sa alkalde ay politika.
Ayon sa testigo, hinarang ang sasakyan ng alkalde. Bumaba sa nangharang na sasakyan ang mga lalaking may dalang mahahabang baril at pinaputukan ang sasakyan ng mayor. Gumanti ang nasa loob ng sasakyan at bumulagta ang dalawang lalaking unang namaril. Ito’y nakilalang sina Police Captain Joselito Tabada, hepe ng Gandara, Samar Police; at PSSG Romeo Cabococ ng Samar PPO. At ang sugatan naman na dinala sa ospital ay si PSSG Neil Matarum mula sa Cebu.
“It all boils down to politics. The reason why Samar belongs to the top 12 poorest provinces of this land,” sabi ni Sarmiento.
Taon 2011, ang noo’y alkalde ng Calbayog City na si Reynaldo “Ining” Uy ay pinatay din ng ‘di pa nakikilalang salarin habang dumadalo sa pista sa bayan ng Hinabangan.
Pinasinungalingan din ni Sarmiento ang mga alegasyon na si Aquino ay sangkot sa mga iligal na droga.
Si Aquino ay papunta ng birthday celebration ng kanyang anak nang pagbabarilin ang kanyang sasakyan.
“I am appealing once again to President Rodrigo Roa Duterte and this time to the Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra to allow the National Bureau of Investigation to investigate what happened since uniformed personnel who are supposed to be the protectors of peace and order were involved in the shooting incident,” post niya sa Facebook.