Advertisers

Advertisers

Duterte pinatatakbong Vice President ng PDP-Laban

0 255

Advertisers

MAY umiikot ngayon sa mga miyembro ng PDP-Laban na isang resolusyon na humihimok kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections.
Ayon kay House Deputy Speaker Eric Martinez, na isa sa mga kilalang stalwart ng PDP-Laban, humigit-kumulang 30 na miyembro ng partido ang lumagda na sa naturang resolusyon.
Sinabi ni Martinez na kabilang sa mga ito ang mga miyembro mula sa National Capital Region, Bulacan at Laguna PDP-Laban members.
Naniniwala aniya ang PDP-Laban sa “continuity” o pagpapatuloy ng mga nagawa administrasyon kaya nais nilang tumakbo si Duterte bilang bise presidente.
Kung titingnan, nanatiling mataas naman aniya ang approval ratings ni Duterte kung ikukumpara sa mga nakalipas na pangulo ng bansa.
Matatandaan na lumutang kamakailan ang Duterte-Duterte na tambalan, kung saan si Mayor Sara Duterte ang pinatatakbong pangulo, habang VP ang kanyang ama. Pero mismong ang presidente ang ayaw na patakbuhin ang kanyang anak.