Advertisers

Advertisers

Palasyo pinakakalma ang UN Human Rights Office hinggil sa ‘Calabarzon killings’

0 205

Advertisers

IPINAHAYAG ng Malakanyang sa UN Human Rights Office (OHCHR) na kumalma matapos ang pagkakamatay ng ilang umanong mga aktibista sa CALABARZON.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, iniimbestigahan na ngayon ang pangyayari at hindi dapat na mag-alala pa.
Giit pa ni Roque na ang Pangulo ay hindi kailanman kinunsinti ang mga pagpatay at galit sa mga umaabuso sa kapangyarihan.
Ayon pa kay Roque, malinaw na iniutos ng pangulo sa mga kawani ng ating sandatahan na huwag mag-atubiling depensahan ang kanilang mga sarili lalo na kung armado ang kanilang mga kalaban.
Nauna rito, sinabi ni Ravina Shamdasani, tagapagsalita ng UN Human Rights Office na labis na nag-aalala ang kanilang hanay dahil sa aniya’y karahasan, pananakot at red tagging sa umano’y mga tagapagtanggol ng karapatang pantao. (Vanz Fernandez)