Advertisers
SIMULA sa Abril ay gagamitin na ng Philippine National Police (PNP) ang mga body camera.
Sinabi ito ng Malakanyang sa gitna ng kaliwa’t kanang batikos na tinatanggap ng PNP matapos ang madugong pagpatay sa siyam na aktibista na umano’y nanlaban sa operasyon sa Calabarzon.
Pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa ngayon, sumasailalim na sa traning ang mga pulis para sa paggamit ng mga body camera.
Sa ganitong paraan aniya, maiiwasan na ang pagdududa ng taong bayan sa kung ano ang tunay na nangyayari sa mga operasyon lalo na kung may mga napapatay.
Magagamit aniya ang mga body camera bilang physical evidence dahil hindi nagsisinungaling ang video. (Vanz Fernandez)