Advertisers
INIHAYAG ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate na “unconstitutional” ang ginagawang mga pagpatay ng kasalukuyang administrasyon sa mga rebeldeng grupo.
Ayon kay Zarate, mapanganib umano ang mga katagang binitiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong magpalabas ng shoot-to-kill order laban sa rebeldeng grupo na Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).
Aniya, kahit may armas pang dala ang grupo ay nararapat pa rin na dumaan sa tamang proseso ang paghuhuli sa mga at ito ay base naman sa ating batas.
Inaalala rin nito na baka may mga inosenteng tao ang mabiktima at palalabasin lamang na “nanlaban” katulad na lamang umano sa ginagawa nila sa mga durugista sa bansa.
Posible rin daw na isa itong panibagong “tokhang serye” ng pulisya sa bansa ngunit ang sentro nito ay sa mga rebeldeng grupo na.
Ngunit kanila ring ikinababahala ang mawalan ng distinction sa totoong non-combatants at combatants.
Sinabi pa ng mambabatas, mas tataas lamang ang kaso ng extrajudicial killings sa bansa dahil dito.