Advertisers

Advertisers

Covid update: 272 gumaling; 87 nasawi; 4,578 bagong kaso

0 313

Advertisers

SUMIRIT sa mahigit apat na libo ang bagong kaso na naitala ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Marso 12.
Sa case update mula sa DOH, umabot sa 4,578 ang nadagdag na kaso na maituturing na pinakamataas na naitalang mga kaso sa nagdaang ilang buwan.
Dahil dito, ang kabuuang kaso ngayon sa bansa ay umakyat na sa 611,618.
Samantala ay mayroon namang naitalang 272 na gumaling at 87 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.5% (52,012) ang aktibong kaso, 89.4% (546,912) na ang gumaling, at 2.08% (12,694) ang namatay.
Sa pagtaas ng kaso ng sakit, muling nagpaalala ang DOH na ang patuloy at wastong pagsunod sa health protocols pa rin ang mabisang paraan para labanan ang pagkalat ng virus o variant sa bansa. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)