Advertisers

Advertisers

Extension ng BTA, pinanawagan ng Muslim groups

0 242

Advertisers

NANAWAGAN ang ibat-ibang grupo mula sa Mindanao ang pagpapalawig ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).
Kasabay nito, nagsagawa g isang prayer rally sa golden mosque sa Quiapo ang Bangsamoro People’s Coalition .
Ayon kay Dr. Jolly Lais, tagapagsalita ng coalition, malaki ang naging epekto ng pandemya sa trabaho ng BTA kaya dapat aniyang habaan ang termino nito hanggang 2025 o tatlong taon pa.
Nanawagan din ang grupo sa dalawang kapulungan ng Kongreso na madaliin ang pag- amyenda sa batas na mag- uurong sa eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa 2025.
Hiniling din ng grupo ang suporta ng Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing panukala sa pamamagitan ng pag-certify dito bilang urgent. (Jocelyn Domenden)