Advertisers
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Amerikano na wanted sa kanilang bansa sa Davao City.
Kinilala ang inaresto na si Richard Edward Vukelic, 57 anyos, American national.
Sa report, naaresto so Vukelicy ng pinagsanib na puwersa ng BI Fugitive Search Unit (FSU) at BI Mindanao Task Group (MITG).
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, agad itong nagbaba ng mission order laban sa suspek nang malaman ang ginawang krimen.
Nauna rito, nakatanggap ng opisyal na tawag ang BI mula sa otorididad ng Amerika na nagsasabing wanted si Vukelic sa US dahil sa paglabag sa kanyang probation.
Pansamantalang nakaditeni sa BI detencion facility sa Davao si Vukelic habang hinihintay ang kanyang deportasyon. (Jocelyn Domenden)