Advertisers

Advertisers

1-buwan curfew at liquor ban sa Bulacan

0 253

Advertisers

MAGPAPATUPAD ng isang buwan na curfew at liquor ban ang probinsiya ng Bulacan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa inilabas na executive order ni Governor Daniel Fernando, ipapatupad ang curfew mula 11:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga simula Marso 17 at magtatapos ng Abril 17.
Papayagan lamang makadaan sa curfew ‘yung mayroong emergency at mga empleyado na mayroong karampatang dokumento.
Hanggang Abril 17 din ang pagbabawal ng pagbenta, pagbili at pag-inom sa pampubliko at pampribado ng mga nakakalasing na inumin.
Ipinag-utos din ng gobernador ang pagbabalik ng border quarantine checkpoints para tuluyang mapigilan ang pagkalat ng virus. (James de Jesus)