Advertisers

Advertisers

Covid update: 374 gumaling; 18 nasawi; 4,387 bagong kaso

0 192

Advertisers

PUMALO na sa kabuuang 635,698 ang bilang ng kaso ng nagpopositibo sa sakit matapos na madagdagan pa ng 4,387 ngayong Miyerkules, Marso 17.
Nasa 374 naman ang nadagdag sa mga gumaling kaya ang total recoveries ngayon ay umabot na rin sa 561,099.
Sa deaths naman ay 18 lamang ang naitala kung saan ang kabuuan ay umabot na sa 12,866.
Sumampa naman ang aktibong kaso sa 61,733 kung saan ang mga pasyente ay ginagamot sa mga quarantine facilities at iba’t-ibang hospital sa bansa.
Halos 96.8% naman ang mild at asymptomatoc na kaso batay pa rin sa case bulletin ng Department of Health (DOH).
Kaugnay pa rin sa pagtaas ng kaso sa bansa, paulit-ulit namang nagpapalala ang DOH sa publiko na sumunod sa mga panuntunan o health protocol na ipinatutupad ng pamahalaan upang hindi na madagdagan pa ang mga kaso at lalong hindi na kumalat pa sa mga komunidad kung saan nakikita ang pagtaas ng kaso ng COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)