Advertisers

Advertisers

Duterte posibleng magdeklara ng nat’l emergency sa ‘ASF’

0 270

Advertisers

POSIBLENG magdeklara ng national emergency si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa African swine fever (ASF).
Sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, hinihintay lamang daw ng Pangulong Duterte ang pormal na rekomendasyon mula sa Department of Agriculture (DA) upang tuluyan na itong maipatupad.
“Inaantay po ng Malacañang iyan para po mapirmahan at mapatupad,” ayon kay Roque.
Bumabalangkas na aniya ng rekomendasyon ang DA na maglalaan ng P1-bilyong pondo sa indemnification at repopulation ng mga baboy sa mga lugar na tinamaan ng ASF; pag-aatas sa mga local government units na i-realign ang budget para talakayin ang isyu sa ASF; at pagpapalakas ng partisipasyon at koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan upang labanan ang ASF.
Matatandaang, nagtakda ng price cap ang pamahalaan sa kasim at pigue na P270 per kilo, P300 sa liempo, at P160 sa kada kilo ng manok sa loob ng 60 araw mula Pebrero 8.
Subalit dahil sa naturang polisiya ay napilitan ang maraming mga retailers na magsagawa ng pork holiday. (Vanz Fernandez)