Advertisers
SINABI ng Department of Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA) na isang health worker na naturukan ng bakuna ang binawian ng buhay nitong Marso 15 dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“On March 15, 2020, a death was reported in an individual who had received the COVID-19 vaccine and subsequently tested positive for COVID-19,” anang DOH at ng FDA sa isang pahayag.
Paglilinaw naman ng mga national at regional committees na naatasang mag-monitor ng adverse effects following immunization (AEFI), ang pagkamatay ng pasyente ay dulot ng virus at hindi ng bakunang itinurok sa kanya.
Binigyang-diin pa ng mga ito, ang COVID-19 vaccines ay hindi nagdu-dulot ng COVID-19.
“In response, the regional and national AEFI committees were activated to conduct a thorough investigation of the case. Upon completion of the investigation following the 2019 WHO AEFI causality assessment methodology, the NAEFIC and RAEFIC concluded that the cause of the death was caused by COVID-19 itself, not by the COVID-19 vaccine. COVID-19 vaccines cannot cause COVID-19,” anito pa.
Kinumpirma na ng DOH na ang fatality ay isang health worker ngunit tumangging magbigay pa ng ibang detalye hinggil dito dahil na rin sa privacy reasons.
Kaugnay nito, muling nanawagan ang mga awtoridad sa publiko na ipagpatuloy ang pagtalima sa mga health protocols na ipinaiiral ng pamahalaan, gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, pagpa-praktis ng social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay, sa gitna ng patuloy na rollout ng mga bakuna.
Hinikayat din ang mga health workers na magpabakuna laban sa COVID-19 dahil na rin sa muling pagdami ng mga naitatalang bagong kaso ng sakit.
Nabatid na hanggang nitong Martes, aabot na sa kabuuang 240,297 indibidwal ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna. (Andi Garcia)