Advertisers

Advertisers

Mahigpit na lockdown sa NCR ‘di na mauulit

0 576

Advertisers

BINIGYAN-DIIN ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na hindi na kailangan pang bumalik sa mas mahigpit na quarantine restrictions sakaling hindi maging epektibo ang pagpapatupad ng curfew hours para mapababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa kalakhang Maynila.
Sa gitna ng muling paglobo ng bilang ng COVID-19 cases, na ayon sa gobyerno ay bumalik na sa lebel noong kasagsagan ng pandemya noong Hulyo 2020.
“Ako tingin ko hindi na. We must really double our efforts to make people understand ‘yung health protocol, damihan pa natin ang testing at contact tracing, doon tayo,” pahayag ni Abalos.
Tanging granular lockdown ang pinaiiral nga-yon sa mga lugar na maraming kaso ng COVID-19. Ito’y habang ang Metro Manila ay nananatili sa general community quarantine, ang ikalawang pinakamababang quarantine level.
Marami na aniyang mga taong nawalan ng trabaho at nagugutom kaya’t hindi makatutulong sa ekonomiya ang malawakang paghihigpit sa Metro Manila. Mas kailangang aniya ngayon ay ang pakikipagtulungan ng publiko para makontrol ang pagkalat ng impeksiyon.
Matatandaang napagkasunduan ng lahat ng alkalde sa Metro Manila ang pagpapatupad ng curfew hours na alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa loob ng dalawang linggo.
Hangarin umano nito ang mapababa ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. (Josephine Patricio)