Advertisers

Advertisers

Minors puedeng makalabas ng Metro Manila

0 259

Advertisers

MAAARI pa ring makalabas ng Metro Manila ang mga menor de edad.
Sinabi ito ni National Task Force against COVID-19 (NTF) Spokesperson Restituto Padilla kung kasama ang mga mahal sa buhay para sa family travels.
Binigyang-diin ni Padilla na hindi pinagbabawal ang pagbiyahe ng pami-pamilya palabas ng NCR o mga point to point at pagpunta sa iba’t ibang destinasyon gamit ang sasakyang pandagat, panghimpapawid o anumang land transportation.
Pinaalalahanan ni Padilla ang mga magbabiyahe na i-check muna ang health protocols na ipinatutupad ng local government unit o sa kanilang destinasyon.
Kasabay nito ipinabatid ni Padilla na maaari ring lumabas ang mga menor de edad sa Metro Manila para magpa-check-up sa kanilang mga duktor subalit kailangan lamang makipag- ugnayan ang mga clinic sa mga mall sa management nito para maiwasang makahalubilo sa maraming tao ang mga hindi dapat lumabas. (Josephine Patricio)