Advertisers
LIMANG libong piso at/o isang buwan pagkabilanggo ang naghihintay sa sinomang mabulaga ng dalawang beses na hindi nakasuot o hindi wasto ang pagkakasuot ng face mask sa Caloocan City
Batay sa City Ordinance No.0884-2020, mahigpit na ipinatutupad sa lungsod ang paggamit ng face mask sa lahat ng pampublikong lugar sa Caloocan ngayong panahon ng pandemya.
Sa unang paglagbag sa ordinansa ay P1,000 ang multa.
“Ngayong tumataas na naman ang mga kaso ng Covid-19, ipakita natin ang ating pagmamalasakit at pasasalamat sa ating mga frontliner sa pamamagitan ng simpleng pagsusuot ng face mask at face shield at pagsunod sa social distancing. Malaking bagay po ito para sa kanila,” ani Mayor Oscar Malapitan.
Samantala, patuloy sa paglobo ang active COVID cases sa lungsod na 756 na nitong 5 pm ng Marso 16.
Umabot na sa 15,693 ang tinamaan ng COVID sa siyudad, 14, 434 na dito ang gumaling at 503 ang namatay.(Beth Samson)