Advertisers

Advertisers

Paglalagay sa NCR sa mas istriktong quarantine di pa irerekomenda – Sec. Duque

0 171

Advertisers

WALA pang rekomendasyon si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na isailalim ang buong National Capital Region (NCR) sa mas istriktong quarantine level, ngunit aminadong posible itong mangyari kung magpapatuloy pa ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), sa kabila ng mga ipinatutupad na localized o granular lockdowns.
Batay sa inilabas na daily situationer ng DOH nitong Martes, lumilitaw na mayroong 25,732 active COVID-19 cases sa Metro Manila.
Nakapagtala rin ang rehi-yon ng 2,842 bagong kaso ng sakit sa naturang araw.
Sa kabila naman nito, sinabi ni Duque na sa ngayon ay hindi pa niya planong irekomenda ang pagsasailalim sa Metro Manila sa mas mahigpit na quarantine level dahil unti-unti na aniyang nakikitaan ng positive outcome ang isinasagawang localized lockdowns ng mga local government units (LGUs).
Sa ngayon ay kasalukuyan pa ring nasa general community quarantine (GCQ) ang buong Metro Manila.
Nagpasya na rin ang mga Metro Mayors na magpatupad ng mga restriksiyon o lockdown sa ilang lugar sa kani-kanilang nasasakupan kung saan nakikitaan nang pagdami ng mga bagong kaso ng virus upang mapigilan ang pagkalat pa nito, kasabay nang pagpapairal na rin ng mas mahabang curfew hours sa Metro Manila na mula 10:00PM hanggang 5:00AM.
Kumpiyansa naman si Duque na ang epekto ng granular lockdowns sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ay makikita matapos ang dalawang linggo.
Gayunman, kung wala aniyang makikitang pagbabago at magpapatuloy pa rin ang pagtaas ng mga kaso ng sakit ay lalakas ang posibilidad na magpatupad sila ng mas malawakang lockdown. (Andi Garcia)