Advertisers

Advertisers

Sakit sa puso no. 1 dahilan ng pagkamatay sa maraming Pilipino – PSA

0 204

Advertisers

KINUMPIRMA ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nangunguna ang sakit sa puso sa leading cause of death ng maraming Pilipino noong 2020.
Sumirit sa 99,700 cases ang bilang ng mga Pilipinong namamatay dahil sa ischemic heart disease kung ikukumpara sa 97,500 cases noong 2019.
Pumapangalawa sa leading na cause of death ang cancer, kung saan 62,300 cases ang napaulat.
Pangatlo sa listahan ang cerebrovascular disease na may 59,700 cases, na sinundan ng diabetes na may 37,300 cases.
Base sa ulat ng PSA, lumagpas sa kanilang average sa nakalipas na limang taon ang bilang ng mga napaulat na namatay dahil sa ischemic heart disease (82,527) at diabetes mellitus (32,991) noong 2020.
Nabawasan naman ng 24,300 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pneumonia kumpara sa average na bilang dito sa nakalipas na limang taon. (Josephine Patricio)