Advertisers
NAGPATUPAD ng apat na araw na lockdown ang Kamara simula kahapon bilang pag-iingat na rin bunsod ng patuloy na pagtaas sa bilang ng kaso ng COVID-19.
Simula bukas, Marso 18, ay pansamantalang isasara ang Kamara hanggang sa Linggo, Marso 21.
Hinihimok ang mga House members at employees na manatili sa kani-kanilang mga bahay upang maprotektahan ang sarili at makabawas sa posibleng transmission ng virus.
Magpapatuloy naman ang mga pagdinig ng komite sa pamamagitan ng online platform.
Maging ang media center ay pansamantala munang isasara sa mga mamamahayag hanggang sa bumuti muli ang sitwasyon.
Simula nitong March 16, pumalo na sa 29 ang positibong kaso ng COVID19 sa Kamara.
Kasabay naman nito ay inanunsyo rin ni Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez na positibo siya sa sakit. (Henry Padilla)