Advertisers
ANG lider ng Philippine National Police ang lumalabas na eksperto sa paglabag sa mga batas, kahit sila ang inatasang magpatupad.
Hindi pa nakalilimutan ng netizens ang birthday celebration ni Police General Debold Sinas sa kasagsagan ng Luzon-wide lockdown noong 2020, at ngayon ay gumawa uli ito ng paglabag.
Ayon sa beteranong kolumnista at special envoy to China na si Ramon Tulfo, si Sinas ay isa sa uniformed men na nagpaturok ng Sinopharm vaccines na smuggled mula sa China bago matapos ang 2020, kahit na ang hakbang na ito ay iligal.
Ayon sa Department of Health, ipinagbabawal ang paggamit ng bakuna na may lebel na pang-emergency use authorization, pagbili, o pagbebenta.
Inamin ni Sinas na siya ay tested positive sa COVID-19 nitong ikalawang linggo ng March ilang araw bago sana siya haharap sa Senate probe hinggil sa madugong “shootout” sa pagitan ng PNP operatives at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kungsaan lima ang nasawi. Ang kanyang counterpart na si PDEA chief Wilkins Villanueva ay nag-anunsyo ring siya’y COVID-positive.
“I don’t know about Villanueva, but Sinas will not die of the dreaded virus infection. Sinas will survive because he got injected with the Sinopharm vaccine along with this columnist in November last year,” sabi ni Tulfo sa kanyang kolum sa Manila Times.
“I quite understand Sinas when he violated safety protocols when he visited PNP troops in Oriental Mindoro recently by not passing through medical screening,” dagdag pa ni Tulfo, nagsabing si Sinas ay kumpiyansa sa kanyang bakuna na hindi naman dumaan sa masusing procedure nang bumisita ito sa probinsiya, inisip aniya nitong siya’y immune sa virus.