Advertisers
MASUWERTENG nakaligtas ang isang media personnel at pamilya nito nang pagbabarilin ang kanilang bahay sa Labo, Camarines Norte.
Kinilala ang biktima na si Rodel Paquita, 45 anyos, residente ng Purok-1 Barangay Cabusay sa nasabing bayan.
Sa ulat, nasa loob ng kanilang bahay ang biktima at matutulog na nang makarinig ito ng tatlong putok ng baril.
Matapos ito, nakita ng biktima na may butas ang kanilang bubong.
Nabatid na nakita ng kapitbahay ni Paquita ang isang motorsiklo na tumigil sa tapat ng bahay nila at nagpaputok ng baril at agad na tumakas.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.