Advertisers

Advertisers

Lalaki tinaga-patay ng brgy. tanod

0 233

Advertisers

PATAY ang isang lalaki nang pagtatagain ng isang barangay tanod sa bayan ng Tapaz, Capiz nitong Sabado.
Kinilala ang biktima na si Rey Babas Sr., 56 anyos.
Ayon sa ulat, pauwi na noong Sabado ng hapon si Babas sakay ng kaniyang motorsiklo nang harangin ng tanod at pagtatagain.
Naisugod pa sa ospital ang biktima pero dead on arrival na ito.
Nakatakas ang salarin .
Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng krimen.