Advertisers

Advertisers

Mayor sa Benguet inatake sa puso, patay sa covid

0 261

Advertisers

PUMANAW si Mayor Faustino Aquisan ng Kabayan, Benguet province dahil sa atake sa puso, pero lumabas na siya’y positibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Na-confine si Aquisan sa Notre Dame de Chartres Hospital, ayon sa Kabayan Public Information Office.
Agad pina-cremate ang kanyang katawan at dinala sa Rex Chapel ng Cathedral of Resurrection.
Sinabihan na ang mga naka-close contact ng alkalde mula Marso 6 hanggang 19 na sumailalim sa mandatoryong home quarantine.