Advertisers
NAGRETIRO na si Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta.
Sa isinagawang flag ceremony, ibinahagi ni Peralta ang kaniyang nagawa at hangad pa sanang mangyari sa korte, kahit siya’y bumaba na bilang punong mahistrado.
Sumali naman ang Supreme Court (SC) community sa pamamagitan ng virtual interaction.
Isa sa naging punto ng panawagan ng nagretirong opisyal ang mga kaso ng pagpatay sa ilang abogado o opisyal ng hukuman.
Bumaba sa tungkulin si Peralta kahit 69-anyos pa lang ito, dahil sa isyu ng kaniyang kalusugan at payo na rin ng kaniyang pamilya. (Josephine Patricio)