Advertisers
MASUWERTENG napanalunan ng dalawang lotto bettors ang P60-milyon jackpot price ng Ultra Lotto 6/58 na binola nitong Miyerkules ng gabi, Marso 23.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tig-P30-milyon ang dalawang mananaya na nakakuha sa winning numbers combination na 16, 27, 08, 05, 12 at 23.
Samantala, wala namang nanalo sa kasabay na Super Lotto 6/49 draw na nasa halos P16-milyon ang pot money.
Wala ring nakakuha ng winning numbers combination sa 6/42 Lotto draw na nasa halos P52-milyon naman ang premyo. (Josephine Patricio)