Advertisers

Advertisers

Covid update: 1,072 gumaling; 47 nasawi; 6,666 bagong kaso

0 240

Advertisers

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease matapos makapagtala ng 6,666 na bagong kaso ang Department of Health (DOH) ngayong araw, Marso 24.
Sa ngayon, ang kabuuang bilang na ng mga tinatamaan ng sakit ay umakyat na sa 684,311.
Tumaas naman ang naitalang mga gumaling sa sakit na nasa 1,072 kung saan ang kabuuang COVID-19 recoveries ay umabot na sa 579,518.
Nasa 47 naman ang nadagdag sa mga namatay sa sakit sanhi upang maging 13,039 ang bilang na ng namamatay dahil sa sakit.
Samantala, pumalo na sa 91,754 ang aktibong kaso o mga nagpopositibo na patuloy na ginagamot sa iba’t ibang hospital at quarantine facilities sa bansa.
Panawagan ng DOH sa publiko, huwag manawa sa ginagawang pag-iingat dahil ito ang susi ng ating sama-samang pagbangon.
Piliing manatili sa tahanan kung hindi naman mahalaga o essential ang gagawin at tiyakin na sapat ang daloy ng hangin sa labas ng bahay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)