Advertisers
NAGULAT ang doktor na sumuri sa isang lalaki nang may makitang kutsilyo sa loob ng katawan nito nang magpa-xray sa Agusan del Sur.
Kinilala ang lalaki na si Kent Ryan Tomao, taga- Barangay Amazon, Kidapawan city.
Ayon kay Tomao, hindi niya alam na may naiwang kutsilyo sa kanyang katawan at nalaman na lamang nito nang lumabas na ang kanyang x-ray result na gagamitin sana nito sa kanyang aaplayang trabaho sa isang mining company.
Inamin ni Tomao na noong Enero 4, 2020 ay napagdiskitahan siya ng isang lalaki na saksakin.
Isinugod si Tomao sa pampublikong ospital at tinahi ang sugat nito.
Laking gulat nalang nito nang makita sa X-ray na na-kabaon pa pala at hindi nakuha ang kutsilyo sa kanyang katawan.
Planong umuwi ni Kenth at balikan ang pampublikong ospital sa North Cotabato para humingi ng tulong para makuha ang kutsilyo sa loob ng kanyang katawan.